Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Married Life
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3

War of the Roaches

$
0
0

Hindi ka ba nababanas sa mga ipis dito sa siyudad? Anlalakas ng attitude problem, sobrang aangas. Malayong malayo sa mga ipis sa probinsiya na mahiyain, konserbatibo, at marunong magtago pag may nakikitang tao. Dito dumating ka na’t lahat sa bahay, dedma pa din. Tuloy tuloy lang sila sa kung anong pinagkakaabalahan nilang gawin. Para tuloy ako ang nakikitira, nakikisama at sila ang nagbabayad ng buwanang renta sa bahay. ‘Eksyusmi, parang ako yata nagbabayad ng renta dito’.

May kakaibang ugali ang mga ipis sa tinitirhan namin ngayon. Mahilig makinood ng tv. Sabi sa Google, ganun lang daw talaga, attracted ang mga ipis sa screen ng tv. Imposibleng ganun lang ‘yun. Kulang na nga lang ipalipat sakin ‘yung channel. ‘Krrt… krrtt… Badoodles, madaling araw na, palipat nga sa channel 100, ‘yung may bold’.

Pano ba gigiyerahin ang lahi ng mga ipis? Waepeks na kasi ang paggamit ko ng Baygon spray. Binabalewala lang ng mga ipis ang spray kaya tinigilan ko na din. Pag nag-iispray ako, para lang silang mga adik na tumatakbo paikot-ikot ng kabahayan pero di naman namamatay. Immune na yata. Mamya makikita mo pang nag-oorgy sa harapan mo na parang nasa taunang Woodstock concert sa Amerika. Taenang mga totnakerong sanamabits. Tinigilan ko na ang pagbili ng Baygon. Ano sila sinusuwerte? Ako tagabili ng pampa-high nila. Kung gusto nilang magpakaadik, bumili sila ng sarili nilang Baygon spray.

Ano ba talagang silbi ng mga ipis? Bakit ba sila ginawa ng Diyos? Alam naman ng Diyos na ‘bad’ sila at wala silang ibang pupuntahan pag namatay kundi sa impiyerno lang.

Si BebeKo naman kinagat din ng ipis sa paa. Sa buong magdamag, tatlong beses yatang binalik-balikan ang kanyang inosenteng paa. Inunahan pa nila akong dila-dilaan ang paa ng BebeKo, mga hayup na perverts. Dahil ayaw naman magkulambo ni BebeKo, sinusuotan ko na lang si BebeKo ng medyas kahit pa labag sa kanyang kalooban. Konting bola lang na astig pamatay ipis ang medyas, sabi sa medyas commercial ni Manny Pacquiao –anti-bacterial ‘yun – mabisang pang-knockout sa pasaway ni ipis.

Nung isang araw, nakagat ng ipis ang daliri sa paa ko. Sobrang kati di ko mapigilang ikaskas sa pader. Buti na lang pala hindi ako sa etits kinagat. Isipin mo na lang itsura ko habang kinikiskis ang sarili sa kahabaan ng pader sa EDSA. Kung may instant headliner sa TV Patrol at Bente Kwatro Oras, alam niyo na kung sinong tatawanan niyo.

Kahit diyahe mang ipa-check up ang pangangati ng paa ko, pinacheckup ko na din kay doktor kuwan. Nakalimutan ko ang pangalan ni doc, basta katunog ng bayag ang apelyido niya. Pero kung inaakala kong tatawanin ako ni doc dahil sa pagpapachekup ko ng kagat ipis, nagkamali ako.

‘Nung isang linggo nagpachekup sakin dito si US Ambassador Kristie Kenney. Nakagat ng insekto ang mata.’, expressionless na sagot ni Doc Bayag.

Naisip ko, mukhang nagkaroon ng masinsinang annual conference ang mga insekto at gustong puntiryahin ang mga high profile na mga tao. Kaya babala na din ito, konting ingat na lang sa inyo, mga katulad kong magagaling, matatalino at artistahin. Tayo ngayon ang target ng mga insekto. Di ko alam kung bakit, ‘wag nyo saking itanong. Baka trip-trip lang nila, pauso ba. Nagbigay na din ng prescription si doc na Chlorpheniramine para kay BebeKo, safe na antihistamine para sa buntis.

Kagabi ang oras ng paghihiganti. Magdamag kong inabangan ang ipis na salarin. Habang naghihintay, inumpisahan kong basahin ang Art of War ni Sun Tzu. Tinandaan ko ang sinabi ni Sun Tzu na ‘Speed is the essence of war’. Alas dose na pero di pa dumadating ang manyakis na ipis. Bumibigat na mata ko pero mukhang iisnabin ng ipis ang duwelong pinaghandaan ko. Madaling araw nang maalimpungatan ako. Isang maitim na bagay ang dahan dahang umaakyat sa aming higaan malapit sa paanan ni BebeKo. Ilang hakbang pa, mayabang na nitong inaangkin at minamarkahan ang teritoryong dapat ay sa akin. Kailangan kong ipaglaban ang aking karapatan. Ito ang nasasabi sa batas. Ang karapatan ay isang bagay na hindi binibigay sa iyong harapan, kailangan mo itong angkinin at ipaglaban kahit pa sa marahas na paraan. Itinaas ko ang aking hawak na Spartan tsinelas. At sa isang iglap, isang malakas na hataw ang tumapos sa walang kakwenta-kwentang buhay ng ipis. Patay ang ipis. Ito ang bihirang pagkakataong masasabi kong may katarungan pa rin sa mundo.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 3

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan