False alarm ang panganganak ni misis nung bisperas ng bagong taon kaya balik ulit kami sa bahay, balik sa kanyang walang katapusang paglalakad-lakad at balik pagde-dress rehearsal kung ano ang gagawin namin kung sakaling sumakit ulit ang kanyang tiyan na walang kinalaman sa diarrhea. Record to beat ay 5 minutes. Lumipas ang isang linggo, wala pa rin. Naiinip na ako. Pinapaakyat ko na nga si misis sa puno ng santol para mapwersa na ang baby na lumabas kaso lang ayaw ni misis. [Sa dahilang ayaw niyang masilipan ko daw siya. Akala mo pag-iingat sa sanggol ang dahilan ano? Haha]. At noong January 8 nga, isang napaka-kaswal na araw, sumakit ang tiyan ni BebeKo. Naligo siya. Ginising ako. Ayaw kong magpagising. Ginising ulit ako. Naligo ako. At pumunta kami ng ospital.
Pero hindi ganun kasimple. Pagdating namin sa ospital, 3cm pa lang din si misis. Walang pinagbago noong nakaraang linggo. Ibig sabihin, ‘yung etits ko pa lang din ang may kakayahang magpanik-panaog sa kanyang loob, in-out, left-right, up-down saka jump. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba pero pina-admit ko pa rin si misis para iinduce labor. Nagpaalam na kami sa isa’t-isa dahil bawal daw ang isang malaking mikrobyong nagkatawang tao sa loob ng delivery room. Hmmkei. At pasensiya na kung di ko alam ang sasabihin ko para i-cheer up ang isang buntis. Wala akong nasabi sa kanya kundi ‘Go go girl?’ na may kasamang choreography ni Ultraman.
Nakalingat lang si misis, masaya na akong nakikipaglandian sa admitting section [kailangang ganun talaga, kinakausap ko kung baka naman pupwedeng ilipat kami sa private room dahil punuan ng mga panahong 'yon]. Mamaya pa, bigla akong pinatawag ni doktora para bulagain ng isang OMG na balita. Sabi niya humihina ang heartbeat ng fetus, ‘pag hindi nag-stabilize kailangan nang hiwain si BebeKo para i-caesarian. Nabura lahat ng landi factor sa mukha ko.
Sa unang pagkakataon, nakapagdasal ako kay Papa Jesaz ng seryosohan. Usapang lalaki. Pakiusap ko wag niyang pabayaan si misis at si fetus. Nangako ako sa kanyang mamamanata at maglalakad ng walang tsinelas sa taunang pista ng Poong Nazareno sa Quiapo. Nagpramis din akong maglalagay ng banal na salita sa blog ko – size 24 Arial Bold na font na nagsasabing, ‘Barilin ang nakikiapid’ at ‘Pag bad ka, lagot ka!’, mga ganun. Kung pwede lang ibigay kalahati ng buhay ko sa misis ko para siguradong makayanan niya ang panganganak, binigay ko na. Sa kabilang banda, ‘yun din ‘yung mga desperadong panahon na naiisip kong kung pwede lang ding isanla ang kaluluwa ko kay Satanas at maging advertising/PR manager niya sa impiyerno, ginawa ko na rin [yun ay kung mas maayos ang negosasyon namin]. Tulirong tuliro ako ng mga panahong ‘yon. Oo, at may ‘as in’ talaga ‘yan dear ate Charo.
Kinausap ako ni doktora sa pangalawang pagkakataon. Kung kanina namroblema kami dahil bumagsak ang heartbeat ni fetus, ngayon asawa ko naman ang may problema. Naipit ang mga ugat niya sa loob-looban dala ng hirap sa pag-ire. ‘Humahabol sa new year ang ugat ng misis mo, nagpuputukan sa loob’, pabiro ni doktora sa ‘kin, alam kong pinipilit niya lang akong kalmahin. Hindi naman ako natawa sa corny joke niya.
‘Doktora, gawin mo lahat ng makakaya mo kundi… REREYPIN KITA.’ May diin at pananakot ang pagkakasabi ko. Walang halong biro. Naalarma ‘yung guwardiyang nakarinig parang gusto tuloy akong tutukan ng baril dahil sa bastos kong bibig. Hindi nakasagot si doktora.
Madaling araw na natapos ang operasyon. Pagod na lumabas si doktora sa operating room. Puno ng dugo. Dinaanan niya ako sa chapel kung saan kasalukuyan akong naglulupasay at humihingi ng divine resbak mula sa pinagsama-sama kong powerhouse-cast-ultimate-dream-team ng mga santo [parang fantasy basketball lang]. Isang mahinang tapik sa balikat ang tumapos sa lahat ng pangamba.
’Okay na misis mo’. Ngumiti si doktora kahit pagod, ‘Kung bakit kasi sobra ko kayong mahal mag-asawa hindi na tuloy ako umuwi…’. Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi. Bihira akong magpakita ng emosyon sa harap ng tao pero natunaw ako sa pagkakasabi niya. Parang may bumara sa lalamunan ko at gusto pa yatang tumulo ng luha ko sa left cheek na parang si Gerard Anderson lang sa isang madamdaming pagganap bilang mongoloid. Kung pwede ko lang yakapin si doktora at sumubsob sa kanyang boobs ginawa ko na. Kaso nga puno siya ng dugo, kaya ‘wag na lang. Noong unang beses na nakunan si BebeKo, si doktora na ang OB niya at hanggang ngayon matiyaga siyang nakabantay para sa kung tawagin namin ay munting prajek-prajekan na paggawa ng baby. Wala akong masabi kundi tenkyu dok. At sa inyong lahat, mga friends at so-called friends [yung mga kaibigang nagpapakita lang tuwing inuman], maraming maraming tenkyu sa inyo sa mga dasal at pagbati. Yey! Daddy blogger na ako.
Piktyur 1] Ang aking sweet little monster na pakyut matulog at 2 days old. Ano bang nagawa kong kabutihan para makatanggap ng ganitong regalo? Piktyur 2] Si Daddy Badoodles bilang Hele Boy. Baby, wag mong dedein ang man-boobs ng Daddy, walang gatas yan.
